Friday, October 7, 2016

Christian Mystical Brotherhood.....We Should Unite Now Before Its Too Late.







Small Group of Silent Christian Warriors Preparing for Worst Case Scenario That May Arise. 
Huwag na i-negosyo ang mga gamit. Ipamahagi na lang sa mga nangangailangan at karapat-dapat dahil gahol na tayo sa oras mga kapatid.These ten bottled Talismans are bound to the Southern most of Mindanao. (Haring Bakal at the top and Haring Panipas at the bottom) Wala pong presyo yan. Walang bayad. Walang hinihinging donasyon. Ang pagkakaiba ng Peke sa totoo, pag me halagang kapalit....magduda na kayo. Kung minsan, ang gumagawa pa ang umaabono sa gastusin. Ang puhunan nito ay ang malasakit at pagmamahal mo sa kapwa. Yan ang mahalaga sa lahat. 
Ako at si Tatay Bator 16 years ago.

Wednesday, September 14, 2016

Tatay Bator Featured in Al Jazeera







Few years ago Tatay Bator Ferenal, Master 13.1 was featured in Al Jazeera Network.
 We missed you Tay, the esoteric knowledge that you have imparted will always be treasured and benefited by your students in all over the world. You may click the link below to watch it.


Thanks to the uploader. God bless.




Friday, March 4, 2016

DATU GAYAN-CORONA


ISA SA MGA GAMIT NA IBINABAHAGI NG ISANG TRIBAL CHIEFTAIN AY ITONG TINATAWAG NA CORONA.ITO AY MATERYAL NA KARGADA NA NAGBIBIGAY PROTEKSYON LABAN SA ARMAS,PATALIM AT MASAMANG INTERES NG KAPWA.
WALA ITONG ORACION AT KUNG TITINGNAN AY PURONG KAHOY LAMANG ITO.
NGUNIT ANG NAKAPAGTATAKA PO RITO AY KUNG PAANO NAILALAGAY ANG MGA NATURANG MGA MATERYAL NA KAHOY NA WALA KAHIT NI ISANG HUMAHAWAK SA BOTE NA NAKAPATONG LANG SA MESA. SAMAKATUWID AY  KUSA LANG NA NALALAGYAN ANG MGA BOTE.

SI DATU GAYAN AY MAY MGA KAIBIGANG ESPRITU NG KALIKASAN NA SIYANG NAGBIBIGAY SA KANYA NG MGA SARI-SARING MGA KAHOY AT DAHON NA SIYA NAMANG IBINABAHAGI SA GUSTONG MAGKAROON NITO. DAHIL KUNG HINDI NIYA ITO MAIPAMIMIGAY AY MAGKAKASAKIT SIYA NG MALUBHA.

KUNG GUSTO MONG HUMINGI AY MAGDALA KA LANG NG BAKANTENG BOTE, KADALASAN AY BOTE NG EFFICACENT OIL, O X7 O SA WHITE FLOWER. IPAPATONG ITO SA MESA ATV HAYAAN MO LANG ITO. PUEDE MO ITONG BANTAYAN UPANG MASIGURADONG WALA TALAGANG KAMAY NA MAKIKIALAM. 
KUNG HINDI PUEDENG LAGYAN ANG ISANG BOTE AY KUSA ITONG NATUTUMBA, USUALLY ISANG MALAKAS NA IHIP NG HANGIN, NGUNIT SELDOM LANG MANGYARI ITO
.KADALASAN MGA 4-5 HOURS ANG ITATAGAL BAGO MALAGYAN LAHAT NG MGA BOTE NA UMAABOT KUNG MINSAN 200 MAHIGIT.
HINDI NIYA ITO IPINAGBIBILI.
 IBINIBIGAY ITO NG LIBRE.

SALAMAT NGA PALA KAY PETER A.NA SIYANG DAAN PARA MABAHAGIAN AKO NG MGA GAMIT NA ITO.


Graphics background courtesy of www.fantasyland.com

Tuesday, March 1, 2016

Haring Bakal Koronados



Dahil sa paglabas ng maraming aral tungkol sa pakunat ng balat o pakubol (Cebuano), ay naisipan kong ipakita ang isa sa pinaka-iingatang kargada o gamit ng mga mandirigma. Ang Haring Bakal Koronados.May dalawang uri nito, ang nasa garapa at estampita. May magka-ibang formula ang nasa garapa at estampita dahil sa magkaiba nitong lalagyan. May ibat-ibang uring Haring Bakal, may kargada at may  grupo rin na halaw sa pangalan ng naturang gamit.Katulad ng sa gamot, may peke, may generic at may branded. Nasa tao na kung paano niya ito makikilala kung ano o sino ang totoo.
May HB na nasa estampita dahil sa hindi ito kinakailangang lagyan ng langis, dahil ang nasa garapa ay sa kadalasan ay kumukulo at umaapaw at kinakailangang lagyan sa tuwi-tuwina.
Sa ganang akin, batay sa aking pagsusuri, may mga gamit na Haring Bakal ang pangalan ngunit ni isa ay walang lamang dasal o oracion ng Haring Bakal. Ang laman ay Oracion ni San Miguel o Oracion sa Dios Amahan etc. sa madalit sabi ay halu-halo at pinamagatan lang na Haring Bakal.
Sa mga nakakaalam tungkol sa gamit o kargadang ito, alam natin na ang mga laman nitong dasal ay natutungkol sa kung paano maging bakal sa kunat ang balat, laman, at buto. Kaya nga me Oracion Haring Bakal pakubol sa Panit, Unod ug Bukog (Oracion Haring Bakal Pakunat sa Balat,Laman at Buto sa kadahilanang hindi maaring sa balat lang ang kunat mo dahil sa mataas na kalibreng baril na makakaharap mo. Hindi ka nga tinablan eh, wasak naman ang laman mo at mga buto at marami ng nangyari rito), Oracion sa Haring Bakal sa Bunal (Oracion sa Haring Bakal sa Palo- sa kadahilanang lahat ng mga hindi tinatablan ay kapag naubusan ng ng bala sa digmaan ay kinukuyog at pinapalo o di kaya'y pa traydor na papaluin).Oracion Haring Bakal Pakubol sa Lungag (Oracion Haring Bakal Pakunat sa Butas sa kadahilanang prinoproteksyonan ang lahat ng butas mo sa katawan, dahil kapag nahuli ka ng kalaban ay tinutuhog o tinutusok ang lahat ng butas mo sa katawan). Ilan lang iyan sa mga dasal na nakapaloob sa Estampita at Garapang. Kaya sa mga nagkukunwari....alam ninyo sa mga sarili ninyo na niloloko lang ninyo ang mga tao. Ang mga sagradong gamit at kargada ay kailanman ay hindi basta-basta ibinibigay at lalung-lalo na..wala itong presyo dahil hindi ito ipinagbibili. Pinakakaiingatan ito at hindi ipinagyayabang dahil katumbas nito ay kaligtasan at buhay.
*Abala lang po kung minsan  ito dahil kung papasok ka ng Mall o dadaan ka sa Airport  tumutunog po ito kahit langis at papel lang ang laman nito at kahit plastik ang takip ng garapa.

God bless sa lahat.